Walang bakunang masasabing 100% epektibo sa anumang sakit.
Ayon ito kay Dr. Lulu Bravo, kilalang vaccine trialist, sa gitna na rin nang pagbibida ng mga manufacturers sa potential coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa effectivity nito.
Sinabi ni Bravo na malaking effectivity na ang 95% na claim ng AstraZeneca sa kanilang potential vaccine dahil sa nakamamatay na sakit tulad ng COVID-19 ay uubra na ang 50% effective lamang para sa mga scientist at expert.
Una na ring na publish sa kilalang research journal na the lancet na hindi dapat magpakakampante sa gitna ng mga development sa bakuna at matabang pa anito ang impormasyon ng mga bakunang nag-anunsyo lang ng kanilang efficacy rate sa press releases.
Kasunod na rin ito ng report na pag-amin ng AstraZeneca na nagkamali ito sa pagbibigay ng dose ng bakuna sa kanilang clinical trial participants at wala namang nai-report na adverse effect o hindi magandang epekto sa mga pasyente na hindi sinasadyang mabigyan lang ng kalahating dose ng bakuna.
Hinihintay naman ng Department of Health (DOH) ang opisyal na paliwanag ng AstraZeneca lalo na’t plano nitong mag clinical trial ng bakuna sa bansa.