Walang namomonitor na banta sa seguridad sa Metro Manila sa araw ng mga santo at patay sa susunod na linggo.
Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson, Chief Inspector Kimberly Molitas na maayos ang seguridad sa kalakhang Maynila subalit hindi sila nagpapaka-kampante.
Ito ang inihayag ng NCRPO sa kabila ng ibinunyag ni PNP Chief Director-General Ronald dela Rosa na gumagala na sa ibang bahagi ng bansa kabilang sa Metro Manila ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Molitas, makikipag-tulungan ang NCRPO sa Armed Forces of the Phlippines (AFP) sa pamamagitan ng Joint Task Force-NCR sa pagbabantay sa mga sementaryo, columbaries, seaports at mga mataong lugar.
Magde-deploy din anya sila ng explosives and ordnance disposal personnel, K9, special weapons and tactics.
By Drew Nacino