Walang namomonitor ang Philippine National Police (PNP) na anumang banta sa pagdaraos ng 65th Miss Universe pageant sa Enero 30 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Inihayag ito ni PNP Executive Officer Sr. Supt. Emmanuel Licup, sa isang press conference sa Kampo Crame kanina.
Aabot sa mahigit isanlibong (1,000) tauhan ng Pambansang Pulisya ang ipakakalat sa place of engagement partikular sa Intramuros, Manila Hotel, Solaire Hotels, at iba pa.
Ayon kay Licup, magtatalaga sila ng isang security detail sa bawat kandidata.
By Meann Tanbio