Tiniyak ng Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mga residente nito na walang bata sa kanilang rehiyon ang hindi mababakunahan kontra polio.
Ito’y sa gitna ng inilunsad na “Sabayang Patak Kontra Polio” ng Department of Health mula kahapon, ika-20 ng Hulyo hanggang sa ika-20 ng Agosto.
Layon nitong mabigyan ng bakuna kontra polio ang nasa mahigit 800,000 bata sa probinsya ng Maguindanao, Lanao Del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Ito’y para matiyak na maiiwasan ang pagkakaroon ng poliovirus outbreak sa rehiyon lalo’t mayroong kinakaharap ngayong pandemya bunsod naman ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).