Wala nang bagyo o Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ang PAGASA sa loob ng bansa.
Sinabi ng PAGASA na tanging habagat lamang ang umiiral na weather system at nakakaapekto sa Northern Luzon.
Dahil sa habagat, mararanasan ang maulap na papawirin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales at Bataan.
Ibinabala ng PAGASA ang malalakas na buhos ng ulan na mararanasan at maaring magdulot ng flashfloods o landslides.
Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong isolated rain showers o pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.