Binigyang diin ni Department of Health Officer-In- Charge Maria Rosario Vergeire na walang cholera outbreak sa Pilipinas.sa kabila ng biglaang pagtaas ng kaso nito sa bansa.
Paliwanag ni Vergeire, umabot sa 3,729 ang kaso ng cholera sa Pilipinas simula Enero hanggang sa kasalukuyan, kung saan ito ay nasa 282 % na mataas kumpara sa mga kaso na napaulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi pa ni Vergeire na karamihan sa mga napaulat ay mula sa Eastern Visayas, Davao Region at Caraga Region.
Dagdag pa nito na tumaas na sa epidemic threshold sa mga nabanggit na lugar ngunit ang gobyerno lamang ang may kapangyarihan na magdeklara ng outbreak sa naturang sakit.
Nabatid na nasa edad 5 hanggang 9 na taong gulang ang karamihan sa mga tinatamaan ng naturang sakit.
previous post