Iginiit ng Korte Suprema na walang magaganap na consitutional crisis sa harap ng pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito’y makaraang mapatalsik sa puwesto si Sereno nang paboran ng walong mahistrado ang inihaing quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General laban sa Punong Mahistrado.
Batay sa desisyong pinonente ni Associate Justice Noel Tijam, sinabi nito na mismong ang Saligang Batas aniya ang nagtatakda kung anong klaseng remedyo ang maaaring gamitin sa umaalsang gulo sa pagitan ng mga sangay ng pamahalaan.
Binigyang diin pa ni Justice Tijam sa naturang pasya na niresolba lamang ng Korte Suprema ang sarili nitong problema sa hanay ng hudikatura tulad ng pagdidisiplina sa sarili nitong hanay.
Ang ginawa rin aniyang pagpapatalsik kay Sereno ay malinaw na hindi ligal sa simula’t simula pa lang ng pagkakatalaga rito kaya’t malinaw na hindi kinikilala ng hudikatura ang pag-upo nito bilang Punong Mahistrado.
—-