Wala pang natatanggap na report ang embahada ng bansa sa Indonesia hinggil sa mga Pinoy na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing bansa.
Ipinabatid ito ni Ambassador Leehiong Wee na nagsabi ring mahigpit ang ipinatutupad na confinement measures sa Indonesia.
Sa kabila ng lockdown sa Indonesia sinabi ni Wee na tuluy tuloy ang pagta trabaho ng mga Pilipino dito na karamihan ay professionals kayat stable ang pinagkakakitaan ng mga ito.