Walang dahilan para pakinggan at paniwalaan pa ang mga ideolohiya ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagdalo nito sa distribution of certificate of land ownership award (CLOA) sa agrarian reform beneficiaries sa Kidapawan City, Cotabato.
Pinasaringan ng pangulo ang mga miyembro ng komunistang grupo kung bakit pinakikinggan at nagbubuwis sila ng buhay para kay Joma Sison gayung hindi naman nila ito nakikita.
Binweltahan naman ni Pangulong Duterte si Sison matapos na tawagin sya nitong mababaw o inferior.
Ayon sa chief executive, kung talagang magaling ang founding chairman ng CPP-NPA, dapat sanay ito ang naging pangulo ng bansa at hindi siya.