Walang nakikitang dahilan si Senador Chiz Escudero upang ikabahala ng publiko ang “state of lawless violence” na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Escudero, mas mahalagang bigyan ng pagkakataon ang mga otoridad partikular ang militar na tumulong na pigilan na maulit ang pambobomba sa Davao City.
Diskresyon na anya ng Pangulo ang pagdedeklara ng “lawless violence” at wala itong epekto sa bill of rights maging sa normal na pamumuhay ng publiko lalo’t ginagamit naman ng gobyerno ang militar upang mapigilan ang tangkang panggugulo ng ilang grupo.
Iginiit ng Senador na kung mayroon mang kwestyon sa idineklara ng Pangulo ay dapat na lamang dumulog sa Korte Suprema.
By: Drew Nacino / (Reporter No. 19) Cely Bueno