Walang dapat ipangamba ang publiko hinggil sa naging pahayag ng Department of Health (DOH) na nasa danger zone na ang critical care capacity ng mga ospital sa Metro Manila.
Ito ayon kay National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr. Ay matapos nilang matukoy ang mga ospital at pasilidad na mayruong sapat na ICU beds na magagamit para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Patuloy din aniya ang inspeksyon nila sa mga naitayong pasilidad bilang isolation facilities at maaaring gawing critical care units.
Batay sa data ng DOH hanggang nitong July 18 mayruon pang 712 ICU beds mahigit 5,000 isolation beds, halos 1,6000 ward beds at mahigit 1,600 sa Metro Manila.