Tiniyak ni Atty. Paterno Esmaquel, isa sa founder ng Aegis Juris Fraternity at abogado ni John Paul Solano na wala silang pagtatakpan sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ni UST Law student Horacio Castillo III dahil sa hinihinalang hazing.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Esmaquel na may nakahanda nang affidavit si Solano kung saan pinangalanan nito lahat ng mga nasasangkot sa kaso ng pagkamatay ni Castillo.
Ayon kay Esmaquel, 30 taon na siyang hindi aktibo sa Aegis Juris mula nang maging ganap na abogado na nalaman na lamang ang nangyari kay Castillo sa pamamagitan ng peryodiko.
Sinabi pa ni Esmaquel na nang magpasya siyang tulungan si Solano at una silang magkita, iginiit niya na rito na wala silang iko-cover up na mga miyembro at opisyal ng Aegis Juris.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Paterno Esmaquel
—-