Pinaalalahanan ng Department of Agriculture o D.A ang publiko na walang gamot o bakuna laban sa ASF o African Swine Fever.
Ito ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan ay kaya’t umaapela sila sa taumbayan na i report sa kanilang tanggapan ang sinumang nagtatangkang magbenta ng bakuna o anumang gamot kontra ASF.
Una nang napaulat ang ilang online post na nagbebenta ng probiotic supplement para sa mga baboy na maaaring ma interpret bilang bakuna o gamot sa ASF.