Tiniyak ni Tourism Undersecretary Katherine De Castro na walang ginastos ang pamahalaan sa Miss Universe Pageant.
Sa programang “Balita Na Serbisyo Pa,” sinabi ni De Castro na noong inilahad nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagdaraos ng Miss Universe Pageant sa bansa, nangako ang Tourism Department na wala silang gagastusin.
Pero dahil, aniya, aabot sa 13 milyong dolyar ang franchise fee ng Miss Universe Pageant, nakipag-usap ang ahensya sa iba’t ibang pribadong sektor.
“Wala naman po tayong ginastos diyan kase noong una namin itong iprinisenta kay Pangulong Duterte ang una naming siniguro sakanya ay siguradong walang gagastusin ang gobyerno dito”, pahayag ni De Castro.
Ayon kay De Castro, ang kumpanya ni Dating Governor Chavit Singson ang kusang-loob na bumalikat sa franchise fee at humanap ng sponsors.
“Ang ginawa namin, kami sa Department of Tourism nakipag-usap kami sa iba’t ibang private sectors hanggang sa ito na nga si Governor Chavit Singson ang kanyang kumpanya ang nagsabi na oh sige we will take care of the franchise fee and at the same time sila na rin maghahanap ng mga sponsors, mga private sponsors para sa Miss Universe”, ani De Castro.
By: Avee Devierte / Race Perez
Photo Credit: Usec. Kat De Castro's Instagram
Credits to: Balita Na Serbisyo Pa program ng DWIZ mapapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:00 PM to 7:00 PM kasama sina Jun Del Rosario at Mariboy Ysibido