Target palawigin ng Department of Social Welfare and Development ang programa nitong ‘Walang Gutom Kitchen’ sa mga probinsya ngayong taon.
Ayon kay Social Welfare Undersecretary Edu Punay, alinsunod sa direktiba ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, plano nilang palawakin ang food bank sa mga matutukoy na lalawigan.
Ipa-prayoridad aniya rito ang mga lugar na may mataas na poverty incidence partikular ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, mga probinsya ng Leyte at Samar, at Bicol Region.
Sa resulta ng Social Weather Stations survey na inilabas noong Oktubre, 22. 9% ng mga Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger, pinakamataas mula sa naitalang 30.7% figure noong kasagsagan ng pandemya. – Sa panulat ni Laica Cuevas