Siniguro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi sila magpapadala ng MMDA personnel para i- asistihan si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa kanyang gagawing commute challenge ngayong araw.
Matatandaang kumasa si Panelo sa hamon sa kanya ng grupong Anakbayan na mag – commute upang maranasan niya ang kalbaryo ng ordinaryong commuter.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, wala silang ide – deploy na escort para kay Panelo sa gagawin pag ko – commute nito papasok sa Malakanyang.
Bukod kay Panelo, hinamon din ng Anakbayan sina Pialago, Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at Pangulong Rodrigo Duterte.