Walang namomonitor na anumang sama ng panahon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Gener Quitlong, weather specialist ng PAGASA, walang inaasahang mamumuong sama ng panahon ang papasok sa PAR sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Gayunman, patuloy namang makaaapekto ang habagat sa kanlurang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.
Makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang bahagi ng extreme northern Luzon o mga lugar ng Batanes at Babuyan Group of Islands.
Makararanas naman ng bahagyang maulap na kalangitan ang nalalabing bahagi ng bansa at localized thunderstoms sa hapon.
Itinaas naman ang gale warning sa Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Batanes, Babuyan, Calayan, Cagayan at Isabela.
Pinapayuhan din ang mga maliliiit na sasakyang pandagat na huwag na munang maglayag sa karagatan.