Wala pang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng May 9 elections dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Ito ang nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque, III sa gitna ng pinangangambahang pagsirit muli ng COVID-19 cases.
Ayon kay Duque, kung kinakailangan ay magkakaroon lamang ng granular lockdowns at hindi malawakang lockdown.
Kinatigan naman ito ni National Vaccination Operations Center Chairperson, Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa pagsasabing hindi pa “significant” ang pagtaas ng kaso.
Gayunman, dapat anyang ipagpatuloy ang pag-iingat laban sa COVID-19, kabilang ang pagsunod sa minimum public health protocols.
Una nang ibinabala ng DOH na posibleng sumipa muli ang COVID-19 cases sa kalagitnaan ng mayo o pagtapos ng halalan kung susuway ang publiko sa minimum health protocols.