Nilinaw ng Commission on Elections o COMELEC na hindi sila binayaran ng malalaking media networks para isahimpapawid ang mga ikinakasang presidential debate.
Tugon ito ng Comelec makaraang maghain ng kaso laban sa kanila ang social news site na rappler dahil umano sa pagpabor ng comelec sa malalaking media networks.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, walang katotohanan ang nasabing paratang ng Rappler.
Aniya, ang mga networks aniya ang siyang sumagot sa lahat ng gastusin at walang inilabas kahit singko ang COMELEC sa mga isasagawang presidential debate.
By: Jaymark Dagala