Iginiit ng Malakaniyang na walang umiiral na karahasan sa Pilipinas laban sa mga mamamahayag.
Ito ay matapos lumabas sa report ng Committee to Protect Journalist (CPJ) na naka-base sa New York na isa ang Pilipinas sa mga bansang maraming hindi nalulutas na kaso ng media killing.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi maitatanggi na may mga namamatay na mamamahayag sa bansa, ngunit marami ang posibleng dahilan ng pamamaslang sa mga ito.
Maaari aniyang personal ang motibo o kaya posibleng nadamay lamang sa away ng mga pulitiko.
Ito na ang ikatlong taon kung saan napabilang ang Pilipinas sa listahan ng CPJ bilang panlima sa mga bansang maraming kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba.