Kapwa itinanggi ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Muntinlupa na mayroong novel coronavirus sa kanilang syudad.
Ang report ng novel coronavirus sa Metropolitan Hospital ay nag ugat sa pagkaka-ospital doon ng isang Chinese national na manggagawa ng POGO.
Subalit ayon kay Dr. Arnold Pangan, health officer ng Maynila, simpleng pneumonia ang sakit ng pasyente at wala itong anumang history ng biyahe sa Wuhan, China at wala ring history na may nakasalamuha itong positibo sa novel coronavirus.
BREAKING: Walang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Metropolitan Hospital, ayon sa Manila Health Department | via @ManilaPIO pic.twitter.com/zxIh8G1Ec6
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 27, 2020
Tinawag namang ‘fake news’ ng Muntinlupa City government ang kumakalat na balita hinggil sa Chinese sa Alabang na di umano’y nagpositibo sa novel coronavirus.
Kapwa nanagawan ang Manila at Muntinlupa City government sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon dahil nagiging sanhi ito ng panic.