Walang libreng pabahay ang pamahalaan.
Ito ang nilinaw ni Senate Housing Committee Chairman JV Ejercito na sa harap ng panibagong insidente ng pag-okupa ng mga miyembro ng kadamay sa mga housing project ng gobyerno.
Ipinaliwanag ni Ejercito na tungkulin ng pamahalaan na magbigay ng abot kayang mga pabahay at hindi libreng pabahay.
Binigyang diin ng senador na hindi makatwiran ang pang-aagaw ng bahay ng mga Kadamay lalo’t nagbabayad ng amortization ang mga awardee ng pabahay ng pamahalaan sa halagang P200 hanggang P300 kada buwan.
Matatandaang kilala ang Kadamay sa pag-okupa sa mga housing project ng gobyerno kung saan ang huli ay sa Rodriguez, Rizal.