Walang mababago sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III sa batasang pambansa pa rin magso- sona ang pangulo at naghahanda na aniya ang Palasyo dito.
Bahagi aniya ng paghahanda ang pagpapapasok lamang sa venue para sumaksi sa talumpati ng pangulo ng 50 katao na hahatiin pa mula sa executive department, Senado at Kamara.
Isasalang muna sa rapid test ang mga napiling sumaksi sa sona ng pangulo para matiyak nacoronavirus disease 2019 (COVID-19) free ang mga ito.
Bukod kay Sotto sa panig ng Senado kabilang sa inaasahang personal na sasaksi sa SONA ng pangulo sina Senador Panfilo Lacson, Francis Tolentino, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Christopher ‘Bong’ Go, Sherwin Gatchalian at Senate Majority Floorleader Juan Miguel Zubiri.