Tiniyak ng Philippine Ports Authority o PPA na walang magiging congestion sa Port of Manila sa holiday season.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, nananatiling maayos ang sistema sa yarda sa simula pa lamang ng Oktubre at may sapat pang espasyo para sa mga kargamento.
Sa ngayon anya ay mayroong 48,900 containers sa loob ng Manila International Container Terminal, Manila South Harbor at Manila North Port.
Mayroon namang bakanteng 32,600 container slots at inaasahang tataas ito ng 8,000 kada araw hanggang Christmas season at pagtapos nito.
—-