Walang nakikitang problema si Senadora Imee Marcos sa pagsuporta ng aktres na si Liza Soberano at iba pang kilalang personalidad sa women’s group na Gabriela.
Ani Senadora Marcos, kung ang adbokasiya ng mga kilalang personalidad ang pag-uusapan, walang mali rito, lalo’t ito’y nagbibigay suporta at paggalang sa kapwa nila kababaehan.
Ang isyung dapat pag-usapan ani Marcos, ang pag-red tagged sa grupong gabriela na dapat patunayan ng mga kumokontra rito.
Dalawa naman ang issue yung NPA affiliation at women’s right. palagay ko sina liza wala namang problema sumusuporta sa women’s right. Pero ‘yung sa red tagging sa Gabriela kailangan patunayan at dapat may pruweba ang AFP kung talaga bang yung ibat ibang grupo patunayan nila ng maigi imbes na nagtuturo at sisihan ng sisihan. ani Marcos
Nauna rito, mababatid na sinabi ni Lt. General Antonio Parlade Jr., tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC, na binalaan lamang nito ang aktres sa tunay na gawi ng grupo.
Kung kaya’t ani senadora Marcos, kung may impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa umano’y kinalaman ng gabriela sa makakaliwang grupo, ay dapat anila itong ilabas dahil mabigat ang kanilang paratang sa grupo.
Ang sinasabi na may kinalaman sa pagpapabagsak sa gobyerno tulad ng cpp npa at sinasabing ang gabriela ay front mabigat na paratang yan kailangang ipakita sa ebidensya. Its time that the AFP reveals all the intel that they gathered about these organizations kasi ngayon puro akusasyon lang ang nangyayari. ani Marcos sa panayam ng DWIZ