Tiwala si Senador Francis Escudero na nais lamang bigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang kapangyarihan sa ilalim ng umiiral na saligtang batas.
Ito ang dahilan kaya’t wala siyang nakikitang mali sa pagsususpinde ni Pangulong Duterte sa pribelehiyo ng Writ of Habeas Corpus sa Mindanao na kasalukuyang nasa ilalim ng batas militar.
Ayon kay Escudero, ginagarantiya ng kasalukuyang konstitusyon ang safeguards sa pagdideklara ng martial law gayundin ang pagsususpinde sa prebilehiyo ng Writ of Habeas Corpus kaya’t malabo aniyang maabuso ito ngayon.
Kasunod nito, ayaw ding bigyang kulay ni Escudero ang naging pahayag ng Pangulo na posibleng isailalim sa batas militar ang buong bansa upang ilayo sa peligro ang sambayanan.
By: Jaymark Dagala