Walang major reshuffle sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ayon ito kay PNP Chief Police General Debold Sinas at tanging ang mga bakanteng pupuwesto lamang ang pupunan niya.
Sinabi pa ni Sinas na walang nagagalaw o maaapektuhang opisyal dahil lamang sa hindi niya kursunada ang mga ito kundi dahil siya ay Chief PNP ng lahat.
Si Sinas na miyembro ng Philippine Military Academy Hinirang class of 1987 ay nakatakdang magretiro sa may 2021.