Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang mangyayaring coup d’état sa Duterte administration.
Ginawa ni Colonel Noel Detoyato, AFP Public Affairs Chief, ang pagtiyak bilang reaksyon sa apela ng pangulo sa militar at pulisya na huwag syang i-coup d’état.
Ayon kay Detoyato, mayroong transformation road map ang AFP na gumagabay sa bawat sundalo.
Mas naka-focus anya ang lahat sa pagtupad ng kanilang misyon na protektahan at pagsibilhan ang mga Pilipino kaya’t walang makaka-isip na magrebelde laban sa gobyerno.
Maliban dito, mas maganda na anya ang kompensasyon ngayon ng mga sundalo kayat dapat lamang nila itong suklian sa pamamagitan ng taos sa pusong pagsisilbi sa bayan.
Matatandaan na isa sa mga unang ginawa ng Pangulong Duterte ay halos doblehin ang sahod ng mga sundalo at pulis.