Walang mapuputulan ng suplay ng kuryente hanggang ika-31 ng Agosto.
Ito ang tiniyak ng Meralco para mabigyan anila ng panahon ang kanilang mga consumers na maintindihan ang kanilang bills o bayarin.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nagsasagawa na sila ng one-on-one na pagpapaliwanag sa kanilang mga customers hinggil sa kanilang mga billing.
Hindi aniya magpapalabas ng disconnection letters ang Meralco hanggang sa mga susunod na buwan at kasalukuyan silang nakatuon sa pagbibigay ng matatag na suplay ng kuryente.
Sinabi ni Zaldarriaga, malaking hamon para sa kanila ang paghawak sa mga reklamo at pagpapaliwanag sa kanilang mga customers.
Dagdag ni Zaldarriaga, nauunawaan naman anila ang kalagayan ng kanilang mga customers at posibleng pag-aralan kung palalawigin pa ito matapos ang ika-31 ng Agosto.