Iimbitahan ng Malakanyang si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na lumangoy sa Ilog Pasig sakaling bumisita itong muli sa Pilipinas upang imbestigahan ang mga umano’y human rights violation sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang masama sa pagbisita sa Pilipinas ni Callamard.
Inihayag din ni Roque na papayagan lamang ng Pilipinas ang UN na silipin ang human rights situation sa bansa kung magpapadala ito ng isang special rapporteur na hindi bias.
Una ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis, sundalo at mga jail officer na huwag tumugon sa mga tanong ng mga UN special rapporteur sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.
“Nakapasok na nga yan sa Pilipinas nang hindi ininvite eh, pero welcome po siya dahil after all we welcome all tourists kaya lang ang masama doon, wag niyang palalabasin na nag imbestiga siya kasi ang pagpasok sa Pilipinas, hindi naman po yan katumbas ng pagiimbestiga so kung siya po ay papasok, sabihin niya, nagkaroon siya ng obserbasyon bilang turista so pag pumasok po siya, eh aanyayahin po namin siyang lumangoy sa malamig na tubig ng Pasig River.”