Walang mechanical o electrical defect na nagdulot nang paghiwalay ng isang bagon sa iba pang bahagi ng tren ng MRT 3 sa pagitan ng Buendia at Ayala Avenue Stations nuong November 16
Ipinabatid ito ni NBI Special Action Unit Head Joel Tovera matapos inspeksyunin ng kaniyang mga tauhan ang coupling devices o mga gamit na nagdudugtong sa mga bagon.
Ayon sa Department of Transportation ang coupler ay kinalas ng MRT 3 engineers at technicians sa harap mismo ng NBI at mga miyembro ng media.
Gayunman sinabi ni Tovera na iniimbestigahan pa nila ang anggulong human intervention na posibleng nasa likod ng nasabing insidente at siyang hinala nang nagbitiw na si Undersecretary for Rails Cesar Chavez.