Iginiit ni Isabela Governor Rodito Albano na wala nang mining operations at illegal logging sa lalawigan.
Sa gitna na rin ito nang dinanas na malawakang pagbaha ng Cagayan at maging ng Isabela matapos bumayo ang Bagyong Ulysses.
Sinabi sa DWIZ ni Albano na nagmumula lamang ang tubig-baha sa kanilang teritoryo mula sa iba pang lalawigan.
Walang mining dito… Ang pagdedreging napakamahal yan, isang dredging machine 500M dollars, kapag dinedredge kasi ang river dapat tinatanggal lahat ng debris,” ani Albano. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882