Walang Pilipinong naapektuhan sa pagsabog sa labas ng Kabul airport sa Afghanistan.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA). Bagama’t may dalawang pinoy sa airport bago ang pag-atake ay agad itong naialis sa lugar dahil hindi naman natuloy ang kanilang flight.
Ipinabatid ng DFA na patuloy na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa pakisya, sa United Nations para malaman ang mga bagong security updates hinggil sa sitwasyon sa naturang bansa.
Nakapagtala naman ng halos 100 namatay sa nangyaring suicide bombing sa nasabing lugar.
Samantala, sinabi ng DFA na may isa pang Pilipino mula Afghanistan via Dubai ang dumating kahapon sa bansa.