Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA).
May kaugnayan ito sa umano’y P141 milyong pisong halaga ng relief goods para sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda sa eastern Visayas ang nabulok lamang sa mga kamalig.
Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, nakapagsumite na sila ng ulat sa COA at nilinaw na naipamahagi na nila lahat ng mga relief goods sa mga apektadong residente.
Posible aniyang ang tinutukoy ng COA ay ang mga biniling relief goods ng ahensya na sinasabing nabulok na dahil sa iba’t ibang kadahinalanan ngunit ito ani Soliman ay matagal nang nasolusyunan.
By Jaymark Dagala