Hindi nadagdagan ang bilang ng mga Pinoy abroad na dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nananatili sa 10,181 ang mga kababayan nating COVID-19 positives sa ibang bansa.
Gayunman, nilinaw ng DFA na 2,980 na lamang ang kasalukuyang ginagamot dahil nakarekober na ang 6,433 sa mga ito.
Dalawa naman ang nadagdag sa bilang ng recoveries habang wala ring bagong fatality dahilan upang manatili sa 768 ang mga Pinoy na iginupo ng COVID-19 sa ibayong dagat.
13 September 2020
Weekend reports from PH Embassies and Consulates record two new recoveries from COVID-19 in the Americas, no new confirmed case, and no new fatality among Filipinos abroad. (1/3)@teddyboylocsin pic.twitter.com/R3xcaY9EFv
— DFA Philippines (@DFAPHL) September 13, 2020