Walang major eruption na mangyayari sa Bulkang Taal ngayong araw.
Ito ang tiniyak ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidium, base sa nakikita sa kanilang instrumento na inilagay sa bunganga ng bulkan.
Sinabi pa ni Solidum na mahigpit nilang binabantayan ang aktibidad ng bulkan.
Bukod dito, maraming gas ng bulkan ang nakalabas na kung kaya walang aasahang major eruption.
Samantala, wala naman naitala ang Phivolcs na phreatomagmatic bursts mula sa bulkan simula kaninang umaga.