Wala pang naitatala na security threats ang Philippine National Police (PNP), tatlong araw bago ang inagurasyon ni incoming President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Pero, ayon kay PNP spokesperson police colonel Jean Fajardo, patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa iba pang region forces para masiguro na nava-validate nito ang mga maling impormasyon.
Gayundin para makapagtalaga ng angkop na security measures upang mapigilan ang anumang pagtatangka sa nalalapit na inagurasyon.
Samantala, sinabi ni Fajardo na all set na ang PNP para rito kung saan nasa mahigit 15,000 security personnel ang kanilang idedeploy.
Nabatid na manunumpa si Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng bansa sa Hunyo 30 sa National Museum of the Philippines sa Ermita, Maynila.