Walang naka-ambang martial law.
Ito ang paglilinaw ni PNP Chief Oscar Albayalde sa harap ng pangamba ng ilan na papunta na sa batas militar ang ipinatutupad nila ngayong kampanya kontra tambay.
Ayon kay Albayalde, hindi napag uusapan sa ngayon sa pulong ng militar at pulisya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law kaya wala anyang dapat ikabahala dito ang publiko.
Ang binibilin lang anya ng pangulo sa kanila ay pag-igihin ang pagbibigay seguridad sa mga mamamayan ng bansa.