Wala pang natatanggap na report ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong nadamay na Pilipino sa naganap na Halloween stampede sa Seoul, South Korea.
Ayon kay Philippine Ambassador to South Korea Theresa Dizon De Vega, nagpadala na ng teams ang Philippine Embassy sa iba’t ibang ospital sa Seoul upang alamin kung mayroong pinoy na biktima ng insidente.
Sinabi pa ni De Vega na minomonitor rin nila ang insidente at nakikipag-ugnayan na sa Seoul Metropolitan Government, Korean Universities, at Filipino community network sa South Korea.
Batay sa ulat, hindi bababa sa 151 katao ang nasawi habang mahigit 80 naman ang nasugatan bunsod ng crowd rush sa Itaewon District.