Itinanggi ni incoming Peace Negotiator Jesus Dureza ang ulat na bukas ang susunod na administrasyon sa mga terorista sa Mindanao.
Bagaman aminado si Dureza na personal niyang nakausap ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group para sa pagpapalaya ng isang binihag na kaibigan, hindi polisiya ng gobyerno na makipag-negosasyon sa anumang grupong sangkot sa krimen.
Kahit anya nakipag-negosasyon siya sa ASG para sa paglaya ng kaibigan at Canadian na si John Ridzel, pinugutan ito ng mga bandido dahil sa kabiguan ng pamilya na magbigay ng ransom.
Iginiit ni Dureza na malabong magkaroon ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at mga terror group taliwas sa peace talks sa Bangsamoro at Communist Party of the Philippines.
By: Drew Nacino