Nilinaw ng Philippine College of Physicians na nagagamot ang sakit na walking pneumonia.
Kaugnay ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng flu-like illnessess sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang-diin ni Dr. Maricar Limpin, immediate past president ng Philippine College of Physicians na ang biglaang pagpapalit ng temperatura ay isa sa mga dahilan ng pagdami ng kaso ng respiratory illnesses.
Aniya, hindi dapat na mabahala ang publiko dahil pangkaraniwang virus lamang ang sanhi ng nasabing sakit.
Ayon pa kay Dr. Limpin, patuloy naman ang isinasagawang surveillance ng iba’t ibang medical society upang maagapan ang pagkalat ng mga sakit.
Nagpaalala rin si Dr. Limpin sa publiko na huwag mag self-medicate upang maiwasan ang drug resistance. - sa panulat ni Maianne Palma