Mananatiling matatag ang presyo ng karneng baboy at gulay sa kabila ng pag-iwas ng ilang mamimili sa pagkain ng manok dahil sa bird flu virus.
Ayon kay DTI o Department of Trade and Industry Undersecretary Ted Pascua, kumpyansa silang hindi magbabago ang presyuhan ng iba pang bilihin sa kabila ng pagtaas ng demand ng ilang produkto.
Kasabay nito, nagbabala si Pascua sa mga negosyante na huwag pagsamantalahan ang sitwasyon dahil nananatili silang nakatutok sa presyuhan sa merkado.
Hinikayat naman ng DTI ang mga kainan na ipaskil kung saan nanggaling ang kanilang nilulutong manok upang mapanatag ang publiko.
By Rianne Briones