Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang paggalaw ng presyo sa mga basic commodities at prime commodities sa bansa.
Ito ay dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, alam ng ahensya ang pag-aray ng consumers sa pagtaas ng mga bilihin
Aniya, hindi gagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin hangga’t hindi pa ito naaaprubahan ng DTI.
Sa ngayon aniya, pinag-aaralan pa ng DTI ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin bago ito i-publish at habang wala pang paggalaw sa mga presyo ay babantayan ng DTI ang mga negosyante kung sumusunod sa Suggested Retail Price (SRP) bulletin.
Samantala, siniguro naman ng bagong DTI Secretary na si Fred Pascual na patuloy nilang pagagandahin ang sistema sa DTI.