Inihayag ng isang grupo na maaaring wala nang paggalaw sa presyo ng mga produkto sa mga supermarket hanggang Bagong Taon.
Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua na posibleng mangyari ito kung maayos ang suplay ng mga supermarket.
Giit ni Cua na hindi isasantabi na posibleng may ilang supermarket na naubusan ng Noche Buena items at kailangang kumuha sa ibang wholesaler na maaring sa mas mataas na presyo.
Maliban dito, mayroon ding mga promo items o promo deals sa mga supermarket kung saan makakatipid ang mga mamimili.
Una nang nabanggit ng Department of Trade and Industry na binabantayan lamang nila ang mag-o-overcharge na manufacturer sa mga SRP ng mga produkto sa mga pamilihan.