Walang pagsirit sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila dahil sa holiday season.
Ito’y ayon sa OCTA Research group, kasunod na rin ng mga pahayag ng pangamba ng posibleng paglobo ng kaso ng virus dahil na rin sa sunud-sunod na mga pagdiriwang sa bansa, pati na ng paggunita sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.
Ayon sa grupo, hindi nalalayo ang kada linggong datos ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR), batay na rin sa case reports ng Department of Health.
Nanatili din anila sa 4% ang positivity rate ng NCR sa nakalipas na linggo.
Binigyang-diin din ng OCTA Research group na kinakailangan ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng publiko sa pagsunod sa minimum health standards upang mapababa ng tuluyan ang kaso ng COVID-19 sa bansa.