Tiniyak ng NFA o National Food Authority na walang magiging pagtaas sa presyo ng NFA at regular na bigas sa mga pamilihan.
Ito’y kahit sumipa ng piso (P1.00) kada kilo ang presyo ng premium rice sa mga pamilihan sa bansa bunsod ng dagdag gastos ng mga importer nito.
Ayon kay Mayo Teresa Alegado, Chairman ng Alliance of Grains Industry Stakeholders of the Philippines, ilan sa mga sanhi ng mataas na import cost ang patuloy na congestion sa pantalan ng Maynila.
Batay sa monitoring ng Philippine Statistics Authority, naglalaro sa kuwarenta hanggang singkuwenta’y kuwatro (P40—P54) ang presyo ng kada kilo ng premium rice.
Babala pa ng NFA, posibleng tumaas pa ang presyo ng bigas sa mga buwan ng Hunyo hanggang Setyembre na itinuturing na lean months.
By Jaymark Dagala