Walang pang bansa ang maidedeklarang 100% drug free.
Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos idepensa ang nagpapatuloy na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga matapos ang apat na taon sa termino.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may pang maiitim pa rin ang budhi na patuloy na nagsusuplay ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Binigyang diin ni Roque na mananatiling pangunahing prayoridad ng pangulo ang pagsugpo sa iligal na droga hangga’t nananatili itong banta sa national security ng bansa.
Una rito, hinimok ni Pangulong Duterte ang mga magulang na mahigpit na bantayan ang kanilang mga anak para maiwas sa pagkakalulong sa iligal na droga.
Kasunod aniya ito ng report mula sa dangerous drugs board na nasa 1.67 milyong Filipino mula edad 10 hanggang 69 ang kasalukuyang drug users.