Walang pangangailangan para isailalim sa state of calamity ang Lanao del Sur matapos tumama ang magnitude 6 na lindol sa lalawigan.
Ipinaliwanag ni Lanao del sur vice governor Bombit Adiong Jr. na dalawang munisipyo lamang ang naapektuhan ng lindol.
Sinabi ni Adiong na nagpadala na sila ng karagdagang personnel sa mga bayan ng Bumbaran, Amai Manabilang at Wao kung saan halos tatlumpung kabahayan at dalawang mosque ang nawasak.
Nagro-roving din aniya ang mga alkalde sa bawat munisipalidad upang ma-assess ang pinsala ng lindol.
By Meann Tanbio