This is a developing story. Please refresh page for updates.
(Last updated: Oct. 31, 2019; 02:00am)
Nag-anunsiyo na ng suspensiyon ng pasok ang ilang mga unibersidad at tanggapan bukas, October 31, bilang paghahanda sa araw ng Undas, November 1.
Nag-anunsiyo na ang Malacañang at ang Korte Suprema ng ‘half-day work’ o hanggang alas-dose na lamang ng tanghali bukas, October 31, ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.
Ito’y batay na rin sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Medialdea kung saan ipinaubaya naman nito sa mga kinauukulang pamunuan ang pagsuspindi ng klase.
#WalangPasok: Pasok sa Korte Suprema bukas, October 31, 2019, half-day na lang. | via @SCPh_PIO https://t.co/3FZlt4hBBs
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 30, 2019
Nag-anunsiyo na rin ng ‘half-day work’ bukas, October 31, ang Korte Suprema sa lahat ng korte.
Ilang lalawigan din ang nagsuspinde na ng pasok bukas, October 31:
- Dagupan City
- Manila City
- Tuguegarao, Cagayan- (Half day)
- Cotabato Province
- Zamboanga Del Sur- (maliban sa frontline services ng Zamboanga Del Sur Medical Center, Malasakit Centers at security units)
Ilang unibersidad na rin ang nagdeklara na ng suspensiyon ng klase bukas, (October 31):
- CIIT Philippines, Quezon City – (all levels)
- University of the Philippines Diliman – (Half day, all levels)
- Cagayan State University, Cagayan Valley- (all levels)
- Baliuag University, Bulacan- (Half day, all levels)
- University of Batangas- (Half day, all levels)
- Lyceum of the Philippines University Batangas – (all levels)
- Manuel S. Enverga University Foundation – (all levels)
- University of Nueva Caceres, Naga City- (Half day, all levels)
- Ateneo De Davao University- (all levels)
- Lyceum of the Philippines University Davao – (all levels, offices)