Hanggang 2pm lamang ang pasok sa lahat ng mga Korte sa buong bansa ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23.
Ito ang inanunsyo ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio bilang pagdiriwang sa ‘National Family Week’ alinsunod na rin sa rekomendasyon ng National Committee on Filipino Family sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.
Layon aniya ng pinaikling oras ng trabaho sa mga Korte ang hikayatin ang kanilang mga kawani na makasama at makasabay sa pagkain ang kani-kanilang mga pamilya.
Kasabay nito, hanggang 2pm lang din ang pasok sa mga estudyanrte sa lahat ng public schools at government employees sa:
- Mandaluyong City
- Navotas City
- Manila
Samantala sa Pasig City naman ay kanselado na ang tanghaling pasok ng mga estudyante sa public schools, at hanggang 2pm lang din ang pasok ng mga government employees
Ipinagdiriwang ang National Family Week sa bansa mula Setyembre 23 hanggang 28.
Samantala, tumatayo naman bilang Acting Chief Justice si Carpio habang nasa business trip sa ibang bansa si chief justice lucas bersamin.